Saturday, February 19, 2011

.

"Ang Aking Talambuhay"
  (Nazareno, Jake. M)



        Pinanganak ako noong setyembre 3,1994 ng hapon.Nang ako ay kanilang nakita kinagiliwan na daw ako mg aking mga magulang at ng aming mga kapitbahaydahil sa malusog daw akong tingnan .Ako ay pang apat saaming mga magkakapatid at ako ang pinakabata sa aming lahat.Ang nag-aalaga daw saken noon ay ang akin na sinusundan na kapatid na pangatlo sa aming lahat.Ayaw daw akong alagaan ng kapatid kong panganay sa aming apat dahil pasaway daw yun at mahilig sa gala.Ang pangatlo sa aming magkakapatid ang syang natulong sa aming inay sa gawaing bahay araw-araw.Ang hanap buhay pa noon ng aking ama ay nagmamaneho ng isang motorsiklo.

ako bata pa lang !
       Noon ay nagkakasya pa kami sa kakarumpat na kita ng aking ama galing sa pgmamaneho.Dahil mura pa noon ang mga bilihin pero ngayon nagmahal na ang mga bilihin kaya noong nakapagtapos ang aking mga kapatid dila ay nagtrabaho agad.    



   Noong ako ay nasa siyam na buwang gulang na kaya ko na raw magsalita kahit papano pero hindi pa daw tuwid ang aking mga salita.Nang nag-isang taong gulang na ako kaya ko na rin daw maglakad pero bigla din naman akong natutumba kaya naiyak daw ako at dahil dun tinutulungan akong tumayo ng aking kapatid na pangalawa sa aming apat.At pagkatapos ko daw itayo ng aking kapatid ay natada daw ako.Kaya ang aking mga magulang ay natutuda sa akin at dahil dun natawa na din sila.Tuwing nadalaw daw ang kapatid na lalake ng tatay ko.Lage daw ako nitong kinakarga at natutuda daw siya tuding karga-karga nya ako.Nang bumisita ang aking lola at lolo natutuda daw sila sa aken kase naman ako daw ang pinakamataba sa aming magkakapatid noong sanggol pa kaming apat.


  
ako 6 yrs old
 Natatandaan ko na noong ako ay naglimang taong gulang na at ako ay pwede ng mag-aral sa eskwelahan.Noong unang pasok ko sa eskwelahan ako ay natatakot pa pero na ako ay pinakilala na ng aking guro sa kanyang mga estudyante at pinaupo na nya ako katabi ng ibang bata.Ako ay kinabahan noon pero nawala din naman agad ang aking kaba dahil kinusap ako ng aking mga kaklase at mababait naman silang lahat.Natuwa ako ako noong araw na ding iyon dahil nagkaroon ako ng madaming kaibigan at mga kalaro.Tuwing recess lage na lang akong nakikipaglaro sa aking mga kaklase ng habul-habulan o kaya naman ay tagu-taguan.At pagkatapos kong maglaro at pagod na din naman kaming lahat.Kami ay kami ay nakain na kasama ng aming mabubuting magulang.Pagkatapos ng kainan at oras na ulit ng pag-aaral,hindi pa don natatapos ang aming kasiyahan dahil sa loob ng silid aralan ay nagkukulitan pa nga kaming magkakaklase at pagminsan ay nagpapalaro pa nga ang aming guro tungkol sa kanyang tinuturo kaya masaya ako noon .Pagnatapos na ang klase at naituro na ng guro ang dapat nyang ituro ay nagbibigay na ito ng takdang aralin.Pagdating ko sa aming bahay gusto ko na agad makipaglaro sa anak na aming kapitbahay na kasing edad ko lamang pero hindi agad ako pinapayagan ng aking mga magulang dahil masgusto nila na unhin ko muna ang takdang aralin bago ako makipaglaro sa aking mga kaibigan.Kaya di agad ako makapaglaro pag-uwi sa amin pero kahit ganon tinuturuan naman ako na aking mga mabubuting kapatid kaya nagagawa ko kaagad ang aking mga takdang aralin ng mabilis.Sa araw-araw halos parang magkakatulad na lamang ang pangyayaare pero pakiramdam ko nagang masaya naman ang aking pag-aaral.Hanggang sa nakapagtapos ako ng pag-aaral sa kinder.

ako 10 yrs old
     

         Nang nagsimulu na ulit ang unang pasokan noon ay ang aking pakiramdam ay nakakapanibago pero sa pagkakataon na yon ako ay daycare na kaya ganun na lamang ang aking pakiramdam.Nang nag-umpisa na ulit at ako ay ipinakilala sa unahan ng aking bagong guro.Ako ay nanibago dahil ang kaklase ko noon ay di ko na kaklase at ang di ko kaklase ay kaklase ko na noon.Pero khit nagbago ang aking mga kaklase at nawala na ang aking mga kaibigan.Masaya pa rin naman ako noon kahit papano kase naisip ko na my bago na naman akong kaibigan at mga kalaro.Habang ako at ang aking inay ay nasa aming bahay maynangyaring aksidente ,nabunggo ng bas ang minamanehong motorsiklo ng aking ama at ang nakasakay pa doon ay ang aking mga kapatid.Naganap ang pangyayaring iyon noong umaga nang papuntang eskwelahan.Ang napuruhan sa aksidenteng iyon ay ang aming kapatid na panganay sa aming apat.Napuruhan ang kanang paa ng aking panganay na kapatid at dahil dun ipinasemento ang  at ipinagamot ito ng nakabunggo sa kanya.Buti na lamang ay habang tumatagal ang paa ng aking kuya ay gumagaleng


ako
      Nang ako ay nasa unang grado sa elementarya.Natatandaan ko pa noon nung nagpabasa ang aking guro,ilan kaming naiwan sa loob ng silid aralan dahil hindi kame marunong magbasa kaya kame ay pinarusahan at pinabasa hanggang sa matutu kame.Ang ilan sa amen na nakabasa na ay pinalabas na at ang hindi naman ay maiiwan hanggat hindi natututong magbasa.Kaya ng hapun ding iyon natagalan akong umawas.Nalaman ng magulang ko ang nangyare dahil sinabi sa kanya ng aking guro.At dahil dun panabasa ako ng aking mga magulang ko at pinaturuan pa ako sa aking mga kapatid.Nang ilang araw na akong tinuturuan ng aking mga kapatid sa wakas natutu na din akong magbasa noon.       

       Nang ako ay nakatungtong na sa ikalawang grado sa elementarya.May nakilala nanaman akong bagong kalaro at isa na doon ay isang babae.Kaya nya pala ako gustong makalaro at makatabe sa upuan yun ay dahil may gusto pala sya sa aken.Nasa ikaapat na grado na ako sa elementarya.Nang ako ay napagalitan ng aking guro.Kaya ako ay napagalitan noon yun ay dahil sa ako daw ay maingay at hindi pa daw ako nakikineg sa klase.Dahil sa masyado akong pasaway noon bumaba ang antas ko nang ako ay nasa ikalimang grado na sa elementarya.Tuwing tanghalian na,kami nang magkakaibigan ko ay nakain na sa canteen at pagkatapos naming mananghalian kmi ay naggagala-gala at linilibot ang paaralan at kung minsan pa nga ay nagala sa bayan.Bumaba nanaman ang aking antas ng ako ay nasa ika anim na grado sa elementarya dahil mababa ang aking mga marka,kahit mababa ang antas ko noon nakapagtapos naman ako ng pag-aaral sa elementarya.Matapos ang mahaba-habang bakasyon magiging isa na din akong sekondarya sa wakas.Dito na ako natutung kumilos na maging binata.Ang dami ng nagbago sa buhay ko simula pa noong unang pasukan ng sekondarya.At ngayon malapit nanaman akong makapagtapos ng pag-aaral at malapat na akong magkolehiyo may roon nanamang magbabago sa buhay ko.Pero kahit ganun kailamgan ko ng tanggapin na nagbago na ako at kailangan ko na ring harapin ang mga pagbabagong mararanasan ko.
4-D



No comments:

Post a Comment