Saturday, February 19, 2011

Ang aking Talambuhay (Mico B. Ramos)

ako at ang aking pinsan
Noong nanliligaw pa lamang ang aking tatay sa aking nanay ay madalas niya itong bigyan ng tatlong bulaklak. Kada araw na siya ay dadalaw sa bahay ng aking nanay ay ipinagluluto siya nito ng isang masarap na pagkain. Hindi nagtagal ay naging magkasintahan sila at kung may problema ay magkasama nila itong nilulutas. Nagpakasal sila at nagsama sa iisang bahay. Noong Marso 20, 1985 ay ipinanganak  ang kapatid kong panganay na si Michael Ramos.Noong bata daw siya ay payat at may malaki siyang ulo, ngunit habang lumalaki ay gumagwapo.Noong Hunyo 21, 1987 naman ay isinilang si Marc Ramos, siya naman daw ay maitim at lalaking-lalake, pero habang lumalaki ay pumuputi at medyo nababading.Noong Marso 7, 1995 ay ipinanganak si Mico Ramos,siya ay maitim din noong bata at iyakin.Lagi niyang kasama ang pinsan niyang babae.Lagi silang magkalaro at hiraman sa anumang laruan ang meron sila.Minsan ay iniiwanan si Mico ng kanyang magulang sa bahay ng kanyang tiya.Isang araw ay nagselos ang pinsan ni Mico sa kanya, dahil siya lagi ang inaasikaso ng kanyang tiya.Sabi nga ng pinsan niya,"pauwiin mo na nga yan sa kanila,lagi na lang siya ang inuuna  mo",habang siya ay naiiyak.

 
ako at ang aking pinsan
Noong ako ay naglimang taon na,ako ay nag-aral na sa Day Care Center sa aming lugar.Lagi akong ibinibili ni nanay ng tinapay at inumin para sa aking recess.Araw-araw niya akong ihinahatid sa school.Mababait ang mga kamag-aral ko doon.Ngunit may lalaki akong kaklase na bully.Hindi ko siya gustong kasama,dahil lagi siyang nananakit.Meron din naman akong naging crush sa eskwelahang iyon.Hindi nagtagal ay nasanay na akong pumunta sa paaralan nang nag-iisa at hindi na ako ihinahatid ng aking nanay.Gustong-gusto ko ang mag-aral noong kinder, kapag may takdang aralin ay nagpapaturo ako kay nanay o kay tatay para masagutan iyon.Ako ay nakatapos sa kinder at nag-aral sa elementarya ng San Juan.Nagkaroon ako ng maraming kaibigan doon.Araw-araw kaming naglalaro.Sama-sama kami sa paglalaro ng apoy sa tambakan ng basura.Minsan kapag kami ay maglalaro ng sikyo ay pinag-aagawan ako ng dalawang grupo,dahil ako daw ay mabilis tumakbo at magaan ang katawan ko sa pagliku-liko ng takbo para hindi mahuli.Naglalaro din kami ng baseball,ngunit isang araw habang kami ay naglalaro ng baseball ay biglang naihagis ng kaklase ko ang pamalo sa bola at tinamaan sa kilay ang kaibigan ko.

ako noong 5 taon
Noong ako ay nakatungtong ng ikatlong baytang ng elementaryaay nagkaroon ako ng crush.Lagi ko siyang kinukulit .Isang araw ay may isang kaibigan na nagsabi sa kanya na crush ko siya at ang sagot niya ay crush niya rin daw ako.Ako ay tuwang-tuwa at namumula.Mula noon ay hindi ko na siya kinukulit at nang tumungtong ako ng ikaapat na baytang ay hindi na kami nagkita.Hanggang nakatungtong ako ng ikaanim na baytang ay hindi pa rin kami nagkita,ngunit nagkaroon naman ako ng magagandang kaklase at marami rin ang nagkacrush sa akin,dahil cute daw ako.Pero ang mga kapatid ko ay lagi akong inaasar na masama daw ako at hindi tatangkad.Sabi nila ay lagi daw akong tumalon kapag bagong taon,para tumangkad.Pero hindi naman ito epektibo.Mayroon pa silang itinurong pampatangkad,maglagay daw ako ng takip ng bolpen sa ilalim ng hinlalaki ng aking paa bago magsapatos.Araw-araw ko daw itong gawin at tatangkad ako,ngunit hindi ko na ito ginawa,dahil sa isip ko ay niloloko lang nila ako. Nagkaroon din ako ng bulutong tubig,noong nakatabi ko ang kaklase kong may bulutong.hindi ako nakapasok ng isang linggo.Buti na lang at may alam ang aking nanay kung paano ito gagamutin.

ako noong 11 taon
Nagkaroon ako ng kaibigang gustong-gusto ang mga laro sa kompyuter.Lagi niya akong isinasama sa kompyuter shop para panoorin siyang maglaro.hindi nagtagal ay anililibre na niya ako para siya ay may kalaban sa larong counter strike.Noong una ay lagi niya akong talo,pero nang ako ay araw-araw ng naglalaro ay hindi na niya ako matalo.Naadik ako sa lahat ng larong barilan sa kompyuter at minsan ay gabi na ako umuuwi.Isang gabi nang umuwi ako sa amin ay napagalitan ako ng aking tatay,sabi niya "bakit gabi ka nang umuwi?,isa pang gawin mo iyan ay sa labas kita patutulugin!".
Mula noon ayhindi na ako nagkompyuter,dahil nasasayang lang naman daw ang aking pera doon at wala naman daw akong mapapala sa paglalaro.Sabi nang magulang ko ay pag-aaral na lang daw ang atupagin ko at may matututunan pa ako doon.Salamat sa kanila at nakalimutan ko na ang paglala ng kompyuter.Hanggang sa nakatapos ako ay hindi ko na naalala ang maglaro pa ng kompyuter.Nagustuhan ko pa ang pag-aaral sa asignaturang matematika, dahil mahilig ako sa mga numero.Nahiligan ko din ang mag-ayos ng mga laruang sinira na ng kapatid ko.


Ngayon ako ay fourth year high school na at nag-aaral sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School.Marami akong naging kaibigan sa paaralang ito.Mababait sila at masayahin.Kapag may problema ang isa sa aming kaibigan ay nagbibigay kami ng  kanya-kanyang payo kung paano niya lulutasin iyon.
ako ngayong 15 taon
Napakasaya pala ng buhay high school,dahil dito mo makikilili ang iba't-ibang klase ng tao at aba't-ibang ugali nila.May tahimik pero nakakatakot magalit.May taong tamad at isip bata.Mayroon namang maganda pero walang ibubuga sa pag-aaral.May tahimik pero matilno.May taong masama ang ugali at lahat ng tao ay ayaw sa kanya.
Ngayon ay naadik na naman ako sa paglalaro ng kompyuter,dahil sa isa na namang kaibigan.Hindi na ako sa barilan naadik ngayon.Sa larong dota naman ako naaadik.Pero naglalaro lamang kami kapag bakante ang aming oras.Dahil sa larong dota,lagi akong nauubusan ng pera.Hindi ako makaipon ng pambili ng regalo para sa aking mahal.
Kaya hindi na ako maglalaro para makaipon at makabili ng regalong pambigay sa aking minamahal.



No comments:

Post a Comment