Sunday, February 20, 2011

Ang talambuhay ni Zarah Malabanan

    Taong 1982,ika-6 ng mayo ikinasal sina Rolando Malabanan at Juanita Avila. Sila ay nag sama at nanirahan sa Brgy.San Ignacio lunsod ng San Pablo. Mahigit isang taon bago sila nag karoon ng anak. Noong Hulyo 17,1983 ay ipinanganak ang kanilang panganay na lalaki na ,pinangalanan nilang Hernan Malabanan. Nasundan pa ito noong May 13, 1985 ipinanganak  naman ang batang babae na pinangalanan nilang Desiree. Siyam na taon bago nasundan ulit ang babaeng anak ni nila. Sa nakalulungkot na pagkakataon ang pangatlong anak nila ay namatay ito ay pinangalanan nilang Angelo.Kulang sa buwan ang bata kaya lumabas itong wala ng buhay.

2 yrs. old ako dyan

  
      Ang mag-asawa ay nag disisyon na hindi na nila susundan pa ang kanilang anak, ngunit sa di inaasahang pangyayari ito ay nasundan pa ng batang babae. Taong 1995 unang buwan ng taon ika-15 ng araw, pista ng bayan ay pinanganak naman ang batang nagsilbing bunsong anak ng mag-asawa at pinangalanan nila itong Zarah. Si Zarah  ay naging tampulan nila ng kasiyahan dahil sa kanyang kabaitan, walang iba kundi ako.

   Noong bata pa lamang ako ay naramdaman ko na ang sobrang pagmamahal nag aking mga magulang at noong panahon na tumapak na ako sa paaralan ay natutunan kong makihalubilo sa  ibang tao at naging daan ito para makatagpo ng mga maituturing na kaibigan. Sa aking pag-aaral sa Bernardina Aranza Deveza Memorial School.
  
abay ako dyan sa pinsan ko
     Simula grade-1 hanggang grade-6 ay  naging masaya at may halong lungkot. Masaya dahil dito ko naranasan ang di ko makakalimutang mga karanasan tulad ng paglalaro ng habulhabulan at pag-aawayan  kasabay nito ang aming pagtatapos. Malungkot dahil mag-kakahiwalay na kami ng aming mga ka-klase.Sa anim na taon kong pagpasok sa paaralang iyon ay hindi ko naranasan na ihatid ako ng aking magulang dalhan ng pagkain tuwing tanghali dahil naging abala na sila sa kanilang tarabaho. Naiinggit ako sa mga kaklase ko dahil hatid bsundo sila ng kanilang mga magulang pinapakain tuwing tanghali, pinu-pulbohan sa mantalang ako ay nasa isang tabi nakain mag-isa.
  
    Pumapasok at umuuwi mag-isa.Isang araw bago kami mag tapos ng elementarya ay nagkaroon kami ng kwentuhan ng aming mga kaklase dito kami nag kaaminan ng mga crush.Si Pico ang pinaka malapit sa akin  sa lahat ng mga kaklase kong lalaki siya ang pinaka crush ko hindi ko inaakalang pag nalaman niya na may lihim akong pagtingin sa kanya ay magiging iba ang pakikitungo niya sa akin. Araw na ng graduation namin ito ay isang mahalagang araw na hindi ko makakalimutan nag umpisa at nag tapos ang aming graduation ay hindi manlang ako kinausap atn pinansin ni Pico.
      
15 yrs old
    Simula na ng bakasyon palagi kaming nag-lalaro sa harapan ng aming bahay kasama ko ang aking kababata at aking mga pinsan. Ang malimit naming nilalaro ay habul-habulan at patintero atbp.Pag gabi naman kami ay pumupunta sa basketbulan at nanonood ng liga kasama ko ang aking kinakapatid at ang mga taga amin sama-sama kaming nanonood, Sinusopotahan namin ang kanilang grupo ang pangalan ng kanilang grupo ay Zalbahe. Sa tuwing manonood ako ng laro nila ay lagi kong nakikita si Pico at iba ko pang mga kaklase dito ko nasabin na marami ng nag-bago naging suplado na sila parang hindi na sila nakakakilala.

        Malpit na ang pasukan hindi ko pa alam kung san ako mag-aaral ng sekondarya. Napag-isipan ko na  sa paaralang Dizon High nalang ako pumasok makakasama ko pa ang aking mga kaibigan dahil dun din sila mag-aaral . Araw na ng enrolment kasama ko ang aking  kababata sa pag-eenrol. Isang araw nalang at umpisa na ng pasukan naibili na ako ng mga gamit  at isusuot ngunit nag aalinlangan parin akong pumasok dahil baka hindi ko mga kilala ang aking mga magiging kaklase.

16 yrs old 
     Noong pasukan na ay maaga akong nagising at nag handa na ako sa aking pag-pasok hinahanap ko ang aking pangalan sa bawat seksyon 1-E ang naging pangkat ko, sa labas  ng silid-aralan ay nag sama-sama ang mag kakapangkat at tinawag kaming sunod-sunod sa apelyido ng tawagin na ako ay kasunod ko naman ang una kong naging kasundo nasi Rica siya ang lagi kong kasama habang tumatagal ay nakakasundo ko narin ang iba ko pang kaklase.
  
JS prom
    Minsan nag dala ako ng panindang mani para ako ay may pandagdag sa baon sa oras ng recess ay ipinagbebenta ko ito ang nakatutuwa pa dito ay napapaubos ko din ang aking mga paninda. Nagsunod-sunod ang aking pag-bebenta ng mani kahit oras ng klase ay maynabili sa akin. Ang pinaka mabenta kong paninda auy sampalok lagi msilang nabili nito. Sa aking pag-uwi ay wala na kong natitira pang paninda bago matapos  ang pasukan ay nag karoon kami ng proyekto sa pilipino ito ay ang pag-gawa ng tula, isa-isa kaming binigyan ng pamagat at ang pamagat ng tula na napapunta sakin ay "Ang Telibisyon".  Ang aming tulang ginawa ay aming tutulain sa harap ng aming guro nasi Ginoong Lacsam ako ay naging ikatlo sa tulaang iyon.

No comments:

Post a Comment