Sunday, February 20, 2011

Ang talambuhay ni Zarah Malabanan

    Taong 1982,ika-6 ng mayo ikinasal sina Rolando Malabanan at Juanita Avila. Sila ay nag sama at nanirahan sa Brgy.San Ignacio lunsod ng San Pablo. Mahigit isang taon bago sila nag karoon ng anak. Noong Hulyo 17,1983 ay ipinanganak ang kanilang panganay na lalaki na ,pinangalanan nilang Hernan Malabanan. Nasundan pa ito noong May 13, 1985 ipinanganak  naman ang batang babae na pinangalanan nilang Desiree. Siyam na taon bago nasundan ulit ang babaeng anak ni nila. Sa nakalulungkot na pagkakataon ang pangatlong anak nila ay namatay ito ay pinangalanan nilang Angelo.Kulang sa buwan ang bata kaya lumabas itong wala ng buhay.

2 yrs. old ako dyan

  
      Ang mag-asawa ay nag disisyon na hindi na nila susundan pa ang kanilang anak, ngunit sa di inaasahang pangyayari ito ay nasundan pa ng batang babae. Taong 1995 unang buwan ng taon ika-15 ng araw, pista ng bayan ay pinanganak naman ang batang nagsilbing bunsong anak ng mag-asawa at pinangalanan nila itong Zarah. Si Zarah  ay naging tampulan nila ng kasiyahan dahil sa kanyang kabaitan, walang iba kundi ako.

   Noong bata pa lamang ako ay naramdaman ko na ang sobrang pagmamahal nag aking mga magulang at noong panahon na tumapak na ako sa paaralan ay natutunan kong makihalubilo sa  ibang tao at naging daan ito para makatagpo ng mga maituturing na kaibigan. Sa aking pag-aaral sa Bernardina Aranza Deveza Memorial School.
  
abay ako dyan sa pinsan ko
     Simula grade-1 hanggang grade-6 ay  naging masaya at may halong lungkot. Masaya dahil dito ko naranasan ang di ko makakalimutang mga karanasan tulad ng paglalaro ng habulhabulan at pag-aawayan  kasabay nito ang aming pagtatapos. Malungkot dahil mag-kakahiwalay na kami ng aming mga ka-klase.Sa anim na taon kong pagpasok sa paaralang iyon ay hindi ko naranasan na ihatid ako ng aking magulang dalhan ng pagkain tuwing tanghali dahil naging abala na sila sa kanilang tarabaho. Naiinggit ako sa mga kaklase ko dahil hatid bsundo sila ng kanilang mga magulang pinapakain tuwing tanghali, pinu-pulbohan sa mantalang ako ay nasa isang tabi nakain mag-isa.
  
    Pumapasok at umuuwi mag-isa.Isang araw bago kami mag tapos ng elementarya ay nagkaroon kami ng kwentuhan ng aming mga kaklase dito kami nag kaaminan ng mga crush.Si Pico ang pinaka malapit sa akin  sa lahat ng mga kaklase kong lalaki siya ang pinaka crush ko hindi ko inaakalang pag nalaman niya na may lihim akong pagtingin sa kanya ay magiging iba ang pakikitungo niya sa akin. Araw na ng graduation namin ito ay isang mahalagang araw na hindi ko makakalimutan nag umpisa at nag tapos ang aming graduation ay hindi manlang ako kinausap atn pinansin ni Pico.
      
15 yrs old
    Simula na ng bakasyon palagi kaming nag-lalaro sa harapan ng aming bahay kasama ko ang aking kababata at aking mga pinsan. Ang malimit naming nilalaro ay habul-habulan at patintero atbp.Pag gabi naman kami ay pumupunta sa basketbulan at nanonood ng liga kasama ko ang aking kinakapatid at ang mga taga amin sama-sama kaming nanonood, Sinusopotahan namin ang kanilang grupo ang pangalan ng kanilang grupo ay Zalbahe. Sa tuwing manonood ako ng laro nila ay lagi kong nakikita si Pico at iba ko pang mga kaklase dito ko nasabin na marami ng nag-bago naging suplado na sila parang hindi na sila nakakakilala.

        Malpit na ang pasukan hindi ko pa alam kung san ako mag-aaral ng sekondarya. Napag-isipan ko na  sa paaralang Dizon High nalang ako pumasok makakasama ko pa ang aking mga kaibigan dahil dun din sila mag-aaral . Araw na ng enrolment kasama ko ang aking  kababata sa pag-eenrol. Isang araw nalang at umpisa na ng pasukan naibili na ako ng mga gamit  at isusuot ngunit nag aalinlangan parin akong pumasok dahil baka hindi ko mga kilala ang aking mga magiging kaklase.

16 yrs old 
     Noong pasukan na ay maaga akong nagising at nag handa na ako sa aking pag-pasok hinahanap ko ang aking pangalan sa bawat seksyon 1-E ang naging pangkat ko, sa labas  ng silid-aralan ay nag sama-sama ang mag kakapangkat at tinawag kaming sunod-sunod sa apelyido ng tawagin na ako ay kasunod ko naman ang una kong naging kasundo nasi Rica siya ang lagi kong kasama habang tumatagal ay nakakasundo ko narin ang iba ko pang kaklase.
  
JS prom
    Minsan nag dala ako ng panindang mani para ako ay may pandagdag sa baon sa oras ng recess ay ipinagbebenta ko ito ang nakatutuwa pa dito ay napapaubos ko din ang aking mga paninda. Nagsunod-sunod ang aking pag-bebenta ng mani kahit oras ng klase ay maynabili sa akin. Ang pinaka mabenta kong paninda auy sampalok lagi msilang nabili nito. Sa aking pag-uwi ay wala na kong natitira pang paninda bago matapos  ang pasukan ay nag karoon kami ng proyekto sa pilipino ito ay ang pag-gawa ng tula, isa-isa kaming binigyan ng pamagat at ang pamagat ng tula na napapunta sakin ay "Ang Telibisyon".  Ang aming tulang ginawa ay aming tutulain sa harap ng aming guro nasi Ginoong Lacsam ako ay naging ikatlo sa tulaang iyon.

Ang Talambuhay ni Christian Lois Suratos Rueda

         Taong 1991,nang magsimulang ligawan ng noo`y binata`t may asim pa na si Medel Rueda ang dalagang Marelene Suratos.Si Medel Rueda ay galing sa pamilyang nakakaangat sa buhay.Ang kanyang amang si Mario "Totoy" Rueda Sr. ay namamahalang junkshop sa Bagong Bayan.Malupit,matapang,at istrikto ito kung umasta ngunit mabait din naman.Ang kanyang ina naman ay si Paula Amparado na nagtatrabaho naman sa Estados Unidos.Anim silang magkakapatid.Ang panganay na si MarlaRueda na nagtapos ng abogasya at naging matagumpay na abogado.Ang pangalwang anak na si Mario Rueda Jr. na naging isang sundalo.
      
        Ang pangatlo na si Medea Rueda na naging isang matagumpay na nurse sa Estados Unidos.Ang pang-apat na si Medel Rueda na di nakatapos ng pag-aaral dahil sa pagka-addict sa bilyar.Ang pang-lima na si Maruha Rueda na ngayon ay may pamilya na sa Estados Unidos.Ang bunso na si Pamela Rueda na ngayon ay isa ng nurse na dito sa San Pablo na papuntang Amerika.Samantalang si Marelene suratos naman ay galing sa mahirap na pamilya.Ang kanyang amang si Marcellano Suratos ay nagtatrabaho lamang sa Franklin Bakers.Ngunit ito ay napaka istrikto at napakabait.Ang inang si Lolita calicdan ay isa lamang housewife  na nag-aalaga ng apo sa bahay.walo silang magkakapatid.

Ako noong dalwang-taong gulang
      Ang panganay na si Rolando Suratos na di nakatapos ng pag-aaral dahil sa hirap ng buhay at mahal ang pang matrikula.Ang pangalawang anak na si Elizabeth Suratos na nag sumikap kahit di nakatapos ng pag-aaral kaya ngayon ay may sari-sari store na.Ang pangatlong anak na si Luisito Suratos na constructionworker na ngayon sa Abu Dhabi.Ang pang-apat na si Marieta Suratos na nagtatrabaho ngayon sa Maynila.Ang pang-lima na si Marelene Suratos na ngayon ay DomesticHelper na sa Dubai.Ang Pang-anim na si Evelyn Suratos na ngayon ay nakatira na sa Maynila.Ang pangpito na si Maricel Suratos na ina ni Marichris Castillo.Ang bunsong si Marlet Suratos na nakatira na ngayon sa Los Banos,Laguna na nagmamay-ari na ng sari-sari store.


      Nagsimula si Medel na manligaw kay Arlene sa papitas-pitas ng isang piraso ng Starapple bawat punta niya sa bahay nina Arlene.At  nang lumaon ay pinakilala din ni Medel si Arlene sa kanyang mga magulang.At ipinakilala din ni Arlene si Medel sa kanyang mga magulang.At makalipas ang dalwang taon ay nagpakasal na si Arlene kay Medel.At ako ang naging bunga ng kanilang pagsasamahan.Isinilang ako noong Nobyembre 24 1994.

Ako noong 1-year old 
     Lumaki ako sa mahirap na buhay dahil walang trabaho ang aking ama ngunit sa tulong ng aking nga tito at tita ay nakakakain din naman kami ng masarap.Ngunit noong kami ay nalaki na,nakaranas kami na mag-ulam ng asin,kape,at asukal.Hinding-hindi ko iyon makakalimutan,siguro dala ng kahirapan sa buhay at maraming problema kaya namin naranasan iyon.Isinilang ang pangalwa sa aming magkakapatid na si Sean Darryl S. Rueda noong Setyembre 25 1995.Ang akin namang bunsong kapatid ayisinilang noong nobyembre 27 2000.Ang kanyang pangalan ay Angel Dyan S. Rueda.


      Noong ako ay sampung taong gulang na ay nakaranas ako ng mabuhay ng maginhawa.simula noong namatay ang aking lolo na si Mario "Totoy" Rueda Sr.,Lumipat na kami sa Bagong Bayan at doon na kami tumira.habang wala pang namamahalang naiwang Junkshop dahil ang ibang anak ay nasa malayong lugar,ang ama ko muna ang namahala nito.

      Naranasan naming mag-shopping sa mga SM at mamasyal kung saan-saan.Tanda ko noong ako ay labingisang taong gulang ay nagpunta kami sa Baguio.Doon kami nagbakasyon ng mahigit sa isang linggo.Namasyal kami sa Grahamm Park at nagshopping sa SM City Baguio.Nagbangka at nagbike din kami sa Baguio.Masayang-masaya ako noong Panahong iyon dahil nakasakay din ako sa pinaka kinatatakutan kong hayop,ang kabayo.Ngunit nalaman ko din na kahit pala nakakaranas ka nang ginhawa ay may darating at darating pa ring problema.


Ako noong 5-years old
       Grade 5 ako noon,taong 2006 ng mangyari ang di inaasahan.Mahimbing kaming natutulog sa aming tahanan.Ako,ang aking mama at ang aking mga kapatid ang nasa bahay.dahil kaming magkakapatid ay may mataas na lagnat,nagpunta ang aking ama sa bayan upang bumili ng gamot.ngunit dahil sa barkada ay niyaya siyang mag-inom ng mga ito.Nag-inom sila sa Videokebar na tabing kalsada na malapit sa trianggulo.may nakasabay din silang nag-iinumang mga kabataan.Dala ng kalasingan ay kinulit daw ng isangbinata ang aking ama.

      Mainitin ang ulo ng aking ama kaya napagmura daw niya ang binata.Sa sobra daw kahihiyan ng binata sa harapan ng kanyang mga kabarjada ay nagtawag daw ito.Ang binatang ito ay taga trianggulo at maramingkilalang batikan at sanay pumatay ng tao.Tinawag niya ang kanyang ama na ang apilyedo daw ay Perez.Orly Perez daw ang pangalan nito.matapos daw magtawag ay binalikan daw sa bar ang aking ama at may dala pang baril.Sa kasamaang palad ay umiihiang aking ama sa may poste.papasok na daw sya sa loob ng bar ng makasalubong nya daw angmag-ama.

     Naka wave daw ang tatlo dahil may kasama pa itong isang lalaki.Sinabihan pa daw ng aking ama kung ano ba ang problema at bigla na lang daw siyang tinadyakan at pinaputukan ng dalwang beses.isa sa paa at isa sa gilid ng tiyan kung saan naroroon ang kidney.Sa sobrang katarantahan ng mga kabarkada ng aking amaay mabilis silang nagtago sa ilalim ng lamesa.Inakala daw ni Orly Perez na patay na ang aking ama kaya nagmadali itong sumakay ng wave at kumaripas ng takbo.habang bulagta ang aking ama at sariwa pa ang sugat sa balang tinamoniya ay mabilisna itinakbo sya ng kanyang mga kabarkada sa San Pablo City Medical Center.

Ako na abay ng  Flores de Mayo
     Nang madaling araw na iyon ay bigla na lang akong nagising,pawis na pawis at ihing-ihi na.Matapos akong umihi ay bumalik na ako sa aking higaan at bigla na lang akong nakaramdam ng takot.Binaliwala ko na lang ito atnatulog na lang ulit.Kinabukasanay di ko na naabutan ang aking ina sa kuwarto namin.nung una ay nagtataka kami kung bakit tahimik ang lahat ng tao sa loob ng bahay at di nagtagal ay di na rin nakatiis ang aking tita Cathy nasabihin sa amin kung ano ang nangyari.

     Sinabi niyang wag daw kaming malikot at nasa ospital daw ang aming ama.tinanong ko sa kanya kung bakit at ang sabi niya ay binaril ito sa may videokebar na malapit sa trianggulo.hanggang dumating na ang aking inang umiiyak na nagtungo sa kuwarto.hanggang sa mapaiyak na nga kaming lahat.noong hapon ding iyon,nagtungo kami sa ospital upang dalawinat kamustahin ang aming ama.noong una ay natakot akong pumasok sa kwarto nya sapgkat ito ay isang ICU.

      Noong ako ay pumasok sa loob ay nakita ko ang kanyang kaliwang paa na punong-puno ng benda at nakasabit pa.naawa ako sa kanya dahil di sya makapagsalita ng diretso at nahihirapang gumalaw dahil tinanggal na ang kanyang isang kidney o bato.Ngunit nagpapasalamat din kami sa diyos at ligtas at buhay pa sya.Sinabi ng doktor sa aking tita at tito na kailangan na daw putulin ang kanyang kaliwang paa dahil kalat na daw ang lason ng pulbura sa parteng iyon at kung di daw kaagad puputulin ay maaring maapektuhan ang kanyang utak at lasunin ang kanyang puso na magdudulot sa kanyang mamatay.Malaki ang nagastos sa operasyong iyon at salamat sa aming mga kamag-anak at tinulungan nila kami at di kami pinabayaan.Ito ang aral na napulot ko sa buhay na di pala kailangan ng maraming pera basta`t kayo ay kumpleto at masaya sa pamilya.

Ako at ang aking co-candidate na si Keanu Rodrigo

Ako at ang aking 4-months old na kapatid 
     .Malaki ang utang na loob ko kay Ma`am Lara at buwan ng agosto ako nakatransfer sa Dizon High.Marami akong nakilalang mga bagong kaibigan at mga guro.Sinubukan ko ding sumali sa Citizenship Advancement Training at buti nalang,officer na ako ngayon.Nobyembre 13 2010 nang magsimula na ang karanasan ko sa Coco Star.

      Isinali ako ni Sir Ariel Villanueva sa kompetisyong ito upang ipresenta ang ating school at para daw makakilala ko ng mga bagong  kaibigan at upang mapataas ang aking kumpiyansa sa sarili.Isa sa tumulong sa akin sa kumpetisyon na ito ay si Sir Dennis B. Lacsam.Siya ang nagplano ng panunulisit ng pera upang meron akong maisuot sa araw ng labanan.Ang nanulisit naman ay ang aking mababait na mga kaklase.Kung di dahil sa kanilang lahat ay di ako mananalo.Maraming salamat sa inyong lahat at sana dumating ang araw na makatanaw din ako sa inyo ng utang na loob.Marami akong natutunan sa buhay.Isa na rito yung kapag may problema ka,huwag mong takasan at harapin mo ito ng may positibong pananaw.Huwag kang papatapak sa iba kung alam mong kaya mo sila.
Picture ko noong nag-perform kami sa SM

Saturday, February 19, 2011

.

"Ang Aking Talambuhay"
  (Nazareno, Jake. M)



        Pinanganak ako noong setyembre 3,1994 ng hapon.Nang ako ay kanilang nakita kinagiliwan na daw ako mg aking mga magulang at ng aming mga kapitbahaydahil sa malusog daw akong tingnan .Ako ay pang apat saaming mga magkakapatid at ako ang pinakabata sa aming lahat.Ang nag-aalaga daw saken noon ay ang akin na sinusundan na kapatid na pangatlo sa aming lahat.Ayaw daw akong alagaan ng kapatid kong panganay sa aming apat dahil pasaway daw yun at mahilig sa gala.Ang pangatlo sa aming magkakapatid ang syang natulong sa aming inay sa gawaing bahay araw-araw.Ang hanap buhay pa noon ng aking ama ay nagmamaneho ng isang motorsiklo.

ako bata pa lang !
       Noon ay nagkakasya pa kami sa kakarumpat na kita ng aking ama galing sa pgmamaneho.Dahil mura pa noon ang mga bilihin pero ngayon nagmahal na ang mga bilihin kaya noong nakapagtapos ang aking mga kapatid dila ay nagtrabaho agad.    



   Noong ako ay nasa siyam na buwang gulang na kaya ko na raw magsalita kahit papano pero hindi pa daw tuwid ang aking mga salita.Nang nag-isang taong gulang na ako kaya ko na rin daw maglakad pero bigla din naman akong natutumba kaya naiyak daw ako at dahil dun tinutulungan akong tumayo ng aking kapatid na pangalawa sa aming apat.At pagkatapos ko daw itayo ng aking kapatid ay natada daw ako.Kaya ang aking mga magulang ay natutuda sa akin at dahil dun natawa na din sila.Tuwing nadalaw daw ang kapatid na lalake ng tatay ko.Lage daw ako nitong kinakarga at natutuda daw siya tuding karga-karga nya ako.Nang bumisita ang aking lola at lolo natutuda daw sila sa aken kase naman ako daw ang pinakamataba sa aming magkakapatid noong sanggol pa kaming apat.


  
ako 6 yrs old
 Natatandaan ko na noong ako ay naglimang taong gulang na at ako ay pwede ng mag-aral sa eskwelahan.Noong unang pasok ko sa eskwelahan ako ay natatakot pa pero na ako ay pinakilala na ng aking guro sa kanyang mga estudyante at pinaupo na nya ako katabi ng ibang bata.Ako ay kinabahan noon pero nawala din naman agad ang aking kaba dahil kinusap ako ng aking mga kaklase at mababait naman silang lahat.Natuwa ako ako noong araw na ding iyon dahil nagkaroon ako ng madaming kaibigan at mga kalaro.Tuwing recess lage na lang akong nakikipaglaro sa aking mga kaklase ng habul-habulan o kaya naman ay tagu-taguan.At pagkatapos kong maglaro at pagod na din naman kaming lahat.Kami ay kami ay nakain na kasama ng aming mabubuting magulang.Pagkatapos ng kainan at oras na ulit ng pag-aaral,hindi pa don natatapos ang aming kasiyahan dahil sa loob ng silid aralan ay nagkukulitan pa nga kaming magkakaklase at pagminsan ay nagpapalaro pa nga ang aming guro tungkol sa kanyang tinuturo kaya masaya ako noon .Pagnatapos na ang klase at naituro na ng guro ang dapat nyang ituro ay nagbibigay na ito ng takdang aralin.Pagdating ko sa aming bahay gusto ko na agad makipaglaro sa anak na aming kapitbahay na kasing edad ko lamang pero hindi agad ako pinapayagan ng aking mga magulang dahil masgusto nila na unhin ko muna ang takdang aralin bago ako makipaglaro sa aking mga kaibigan.Kaya di agad ako makapaglaro pag-uwi sa amin pero kahit ganon tinuturuan naman ako na aking mga mabubuting kapatid kaya nagagawa ko kaagad ang aking mga takdang aralin ng mabilis.Sa araw-araw halos parang magkakatulad na lamang ang pangyayaare pero pakiramdam ko nagang masaya naman ang aking pag-aaral.Hanggang sa nakapagtapos ako ng pag-aaral sa kinder.

ako 10 yrs old
     

         Nang nagsimulu na ulit ang unang pasokan noon ay ang aking pakiramdam ay nakakapanibago pero sa pagkakataon na yon ako ay daycare na kaya ganun na lamang ang aking pakiramdam.Nang nag-umpisa na ulit at ako ay ipinakilala sa unahan ng aking bagong guro.Ako ay nanibago dahil ang kaklase ko noon ay di ko na kaklase at ang di ko kaklase ay kaklase ko na noon.Pero khit nagbago ang aking mga kaklase at nawala na ang aking mga kaibigan.Masaya pa rin naman ako noon kahit papano kase naisip ko na my bago na naman akong kaibigan at mga kalaro.Habang ako at ang aking inay ay nasa aming bahay maynangyaring aksidente ,nabunggo ng bas ang minamanehong motorsiklo ng aking ama at ang nakasakay pa doon ay ang aking mga kapatid.Naganap ang pangyayaring iyon noong umaga nang papuntang eskwelahan.Ang napuruhan sa aksidenteng iyon ay ang aming kapatid na panganay sa aming apat.Napuruhan ang kanang paa ng aking panganay na kapatid at dahil dun ipinasemento ang  at ipinagamot ito ng nakabunggo sa kanya.Buti na lamang ay habang tumatagal ang paa ng aking kuya ay gumagaleng


ako
      Nang ako ay nasa unang grado sa elementarya.Natatandaan ko pa noon nung nagpabasa ang aking guro,ilan kaming naiwan sa loob ng silid aralan dahil hindi kame marunong magbasa kaya kame ay pinarusahan at pinabasa hanggang sa matutu kame.Ang ilan sa amen na nakabasa na ay pinalabas na at ang hindi naman ay maiiwan hanggat hindi natututong magbasa.Kaya ng hapun ding iyon natagalan akong umawas.Nalaman ng magulang ko ang nangyare dahil sinabi sa kanya ng aking guro.At dahil dun panabasa ako ng aking mga magulang ko at pinaturuan pa ako sa aking mga kapatid.Nang ilang araw na akong tinuturuan ng aking mga kapatid sa wakas natutu na din akong magbasa noon.       

       Nang ako ay nakatungtong na sa ikalawang grado sa elementarya.May nakilala nanaman akong bagong kalaro at isa na doon ay isang babae.Kaya nya pala ako gustong makalaro at makatabe sa upuan yun ay dahil may gusto pala sya sa aken.Nasa ikaapat na grado na ako sa elementarya.Nang ako ay napagalitan ng aking guro.Kaya ako ay napagalitan noon yun ay dahil sa ako daw ay maingay at hindi pa daw ako nakikineg sa klase.Dahil sa masyado akong pasaway noon bumaba ang antas ko nang ako ay nasa ikalimang grado na sa elementarya.Tuwing tanghalian na,kami nang magkakaibigan ko ay nakain na sa canteen at pagkatapos naming mananghalian kmi ay naggagala-gala at linilibot ang paaralan at kung minsan pa nga ay nagala sa bayan.Bumaba nanaman ang aking antas ng ako ay nasa ika anim na grado sa elementarya dahil mababa ang aking mga marka,kahit mababa ang antas ko noon nakapagtapos naman ako ng pag-aaral sa elementarya.Matapos ang mahaba-habang bakasyon magiging isa na din akong sekondarya sa wakas.Dito na ako natutung kumilos na maging binata.Ang dami ng nagbago sa buhay ko simula pa noong unang pasukan ng sekondarya.At ngayon malapit nanaman akong makapagtapos ng pag-aaral at malapat na akong magkolehiyo may roon nanamang magbabago sa buhay ko.Pero kahit ganun kailamgan ko ng tanggapin na nagbago na ako at kailangan ko na ring harapin ang mga pagbabagong mararanasan ko.
4-D



Ang Talambuhay ni John Robert Q. Ladanga






Ang aking ama,ako at pinsan ko.



Ako si John Robert Quijano Ladanga .Pinanganak ako noong ika-dalawampu ng agosto sa Bagong Bayan San Pablo City, Laguna. Apat kaming magkakapatid,dalawang lalakw dalawang babae.Ako ang pinakabata sa aming apat.Simple lang ang aming pamumuhay.Tahimik,pero minsan may hindi pagkakaunawaan .Nung bata pa ako ay mahilig akong manood ng cartoons tulad ng “Tom and Jerry”.At lagi din kaming naglalaro kasama lagi din ang aking mga pinsan ng patintero,paltok-bola at sipa bola.Naglalaro din kami ng tagutaguan.

Noong kinder ay pumasok ako sa Day Care ng Bagong Bayan.Nagkaroon ako ng mabait na guro.Maayos naman at hindi magugulo ang aking mga kamagaral noon.Nung ako ay nasa Elementarya ay lumabas na ang aking pagkamaiyakin.Ang aking mga kaklase ay magugulo,I naasar ako at tinatago ang aking mga gamit.Ako rin ay palasumbong.Kaya kapag sinusubong ko ang umaaway sa akin ay sumusugod ang nanay ko sa skwelahan.Nakakapag aral naman ako ng maayos.




Ako







Hindi naman ako matalino pero nakakasabay naman ako sa aking mga kaklase.Ang pinakamakulit kong nakilala ay ang pinsan kong si Genesis.Naging kaklase ko rin sia noong Elementarya.Nakakaasar siya at lagi kaming natatalo.Ang isa ko namang kaklase ay nang-upper cut ng teacher,siya ay si Christian Loise S. Rueda.Mayroon din sa amin nagsasaksakan ng ballpen,meron ding nagsusuntukan.Mayroon akong nakaaway  na tinusok ako ng lapis sa aking noo at pinagpupukpok ko siya ng libro.Nagsugat ang tusok sa aking noo at nung nakita ng aking ina ang aking sugat sa noo ay sumugod ulit ang aking ina sa iskwelahan at sag alit ng aking ina ay nasigawan ang aking kakaway.
Tita ko ang humahawak sa akin.


Nagbati din naman kami.Minsan ako ay nagwala sa school dahil ako ay pinagaasar ulit at sag alit ko ay pinagtutumba ko ang  lamesa at upuan.Noong grade 4 ako,kaarawan ko iyon at ako ay pinagaasar ako ng aking tiyuhin na wala akong handa at wag na papuntahin ang aking mga kaklase sa aking kaarawan at hindi na daw matutuloy ang aking party.Pero noong paguwi ko sa bahay ay mayroon nagsurpresa sa akin at ako ay natuwa.Akala ko ay hindi na matutuloy ang aking kaarawan.May palaro kami katulad ng palabitinan at palayok.


Noong may dumating sa aming skwelahan na namimigay ng pampurga kinabukasan.Kinabuksan ay sinabi ko sa aking magulang ang sinabi sa akin sa skwelahan.Pinagaasar ako ng aking mga pinsan na kapag uminom daw ako nun,sa ilong ko at sa iba pang mga butas ng aking katawan ay mayroon daw lalabas na uod.Ako ay natakot at noong purgahan na ay ibinigay ko ang gamut na pampurga sa aking kaklase at ito ay ininom.Ininom din niya ang aking gamot.


Kapag walang pasok ay naglalaro ako ng laruan pero mahilig ako maglaro ng lupa at tubig sa aming tapat ng aking bahay.Kaya kapag uwi ko ay yari ako sa aking inay at hahatawin ako ng kanyang walis tambo.Minsan lang ako mapalo ng aking ama.Pinagsasabihan niya lang ako.minsan nung ako ay makulit sa amin,pinalo ako ng sinturon ng aking ama.Ang aking ama  ay dating baranggay tanod.Lagi rin kaming napuputulan ng ilaw at tubig sa amin.Tuwang tuwa ang aking ama’t ina dahil ako ay nakapagtapos ng elementarya.



Pinsan ko at ako.



 Nang unang pasok ko sa High School  sa Col. Lauro D. Dizon National High School ay kabado ako.Sinilip ko kung ano ag section ko sa first year ay ako ay naging 1-D.Nakilala ko sina  Marlon,Kerwin,Allen,Ferdinand,Jeric,Ace,Axl, Gamo, Perez,Kenneth at madami pang iba.Madami pa akong nakilala.


Mababait naman sila.Meron akong isang nakilala na may diperensya sa buhok.Si Alfred Penana,meron siyang lepong, lagi siyang  may nakakaaway.Nakilala ko rin ang mga guro ko sa iba’t-ibang asignatura.Si Mrs. Gonzales sa English,si Ma’am magapi sa Sience,si Mrs. Calanasan sa A.P , si Ma’am Nuevo sa Math,si Mrs. Pasco sa Values at Filipino at adviser namin.


Noong nagpapraktis kami ng Ibong Adarna ay masaya kaming nagpapraktis.Mayroon nagturo sa amin.Ako ay gumanap na isang Orsobispo.Kapag kami ay vacant,naglalaro kami sa oval.Ako ay nilagnat noong malapit na ang 4TH periodical test.Pinackeckup ako sa Doktor at mayroon daw akong dengue .Ilang linggo ako nandon at ako pala ay may tigdas.Noong nalaman naming ito ay inubos mun a ang aking dextrose at umuwi na ako sa aming bahay at doon nalang ginamot ang aking sakit.Sabi ng iba ay para lumitaw ang tigdas ay dapat kimain ng itlog,bawal din daw maligo.Noong pirmahan ng clearance ay nilalagnat parin ako nun at ang aking ama ang nagpapirma ng clearance sa aking mga guro.Nang gumaling na ako ay tsaka nalag ako kumuha ng exam.
Nasa Bicol kami nito.


Noong nakatungtong na ako ng second year ay naging II-C naman ako,marami ulit naman akong nakilala katulad nina Derequito, Mark,Emman, Amiel at madami pa.Ang mga nakilala kong mga guro ay sina Mrs.Hitosis sa A.P, Mrs.Reyes sa English,Mr. Ang sa Math,Mrs.Austria sa T.L.E ,Ma’am Evangelista,Mrs.Lingad,at si Ma’am Bidula.


Maayos ko naman napapagaralan ang mga asignatura maliban sa A.P at sa T.L.E.Bumagsak ako sa asinaturang iyon  sa nung Second Grading buti nalang ay naagapan at naiayos ang aking mga grado.Kami ay nagdula ng Florante at Laura,ako naman ay isang mangbibigkas napakadami naming sinaulo, ang mga kasama ko pa ay sina Derequito at iba ko pang mga kaibigan ay mga kawal,naging Third Place kami doon at tuwang tuwa kami at naging pangatlo kami sa puwesto.


Ang mga kalaban namin ay mamaling.Nung third year high school naman ako ay bumalik ulit ako sa IV-D.Naging kaklase ko ulit sina Alvin, Ace,Marlon, Cortez,Salvatorre at madami pa.Ang mga bago ko ulit na guro ay sina Ms.Lee Mrs.Omana,Mrs.Deomano ,Mrs.Joaquin,Mrs,Red,Mrs. De Ocampo at ang adviser naming na si Mrs. Lydia Gonzales.


Kapag vacant kami naglalaro kami ng Ps2,naglalaro kami ng NBA 2K10,Minsan ay naglalaro kami ng guitar hero,At kung hindi ay nagbabasa kami ng Noli Me Tangere.Sa asignatura naming sa Filipino ay nagrereport kami isa-isa.Noong 4TH year na ako ay Section-D ulit ako ganun parin ang mga kaklase ko pero mayroon din mga bagong kaklase.


Ang mga nagging guro namin ay sina,Mr.Marfori sa MAPEH,Mrs.De Castro sa Values,Mrs.Aquino sa T.L.E,Mr.Lacsam sa Fillipino ,Mrs.Sanchez sa A.P,Mrs Katigbak sa  English,Mrs.Putungan sa Math at ang adviser at teacher naming sa Science na si MrVasquez.Kapoag kami ay walang klase ay naglalaro kami ng computer games gaya ng Special Force Online kasama si Derequito,Glorioso,at si Rueda.Sumali ako sa Junior Senior Promenade.Kasali din sina Himor, Danila, Cortez, Lacap, Rueda at marami pa.

Hanggang dito nalang muna  ang aking ilalahad sa inyo tungkol sa aking talambuhay.

                               
Si Ace,Salvatorre,Aeron,Marlon at Ako
Ako at ang pinsan ko.



                                                   ^_^  =End= ^_^

Ang aking Talambuhay (Mico B. Ramos)

ako at ang aking pinsan
Noong nanliligaw pa lamang ang aking tatay sa aking nanay ay madalas niya itong bigyan ng tatlong bulaklak. Kada araw na siya ay dadalaw sa bahay ng aking nanay ay ipinagluluto siya nito ng isang masarap na pagkain. Hindi nagtagal ay naging magkasintahan sila at kung may problema ay magkasama nila itong nilulutas. Nagpakasal sila at nagsama sa iisang bahay. Noong Marso 20, 1985 ay ipinanganak  ang kapatid kong panganay na si Michael Ramos.Noong bata daw siya ay payat at may malaki siyang ulo, ngunit habang lumalaki ay gumagwapo.Noong Hunyo 21, 1987 naman ay isinilang si Marc Ramos, siya naman daw ay maitim at lalaking-lalake, pero habang lumalaki ay pumuputi at medyo nababading.Noong Marso 7, 1995 ay ipinanganak si Mico Ramos,siya ay maitim din noong bata at iyakin.Lagi niyang kasama ang pinsan niyang babae.Lagi silang magkalaro at hiraman sa anumang laruan ang meron sila.Minsan ay iniiwanan si Mico ng kanyang magulang sa bahay ng kanyang tiya.Isang araw ay nagselos ang pinsan ni Mico sa kanya, dahil siya lagi ang inaasikaso ng kanyang tiya.Sabi nga ng pinsan niya,"pauwiin mo na nga yan sa kanila,lagi na lang siya ang inuuna  mo",habang siya ay naiiyak.

 
ako at ang aking pinsan
Noong ako ay naglimang taon na,ako ay nag-aral na sa Day Care Center sa aming lugar.Lagi akong ibinibili ni nanay ng tinapay at inumin para sa aking recess.Araw-araw niya akong ihinahatid sa school.Mababait ang mga kamag-aral ko doon.Ngunit may lalaki akong kaklase na bully.Hindi ko siya gustong kasama,dahil lagi siyang nananakit.Meron din naman akong naging crush sa eskwelahang iyon.Hindi nagtagal ay nasanay na akong pumunta sa paaralan nang nag-iisa at hindi na ako ihinahatid ng aking nanay.Gustong-gusto ko ang mag-aral noong kinder, kapag may takdang aralin ay nagpapaturo ako kay nanay o kay tatay para masagutan iyon.Ako ay nakatapos sa kinder at nag-aral sa elementarya ng San Juan.Nagkaroon ako ng maraming kaibigan doon.Araw-araw kaming naglalaro.Sama-sama kami sa paglalaro ng apoy sa tambakan ng basura.Minsan kapag kami ay maglalaro ng sikyo ay pinag-aagawan ako ng dalawang grupo,dahil ako daw ay mabilis tumakbo at magaan ang katawan ko sa pagliku-liko ng takbo para hindi mahuli.Naglalaro din kami ng baseball,ngunit isang araw habang kami ay naglalaro ng baseball ay biglang naihagis ng kaklase ko ang pamalo sa bola at tinamaan sa kilay ang kaibigan ko.

ako noong 5 taon
Noong ako ay nakatungtong ng ikatlong baytang ng elementaryaay nagkaroon ako ng crush.Lagi ko siyang kinukulit .Isang araw ay may isang kaibigan na nagsabi sa kanya na crush ko siya at ang sagot niya ay crush niya rin daw ako.Ako ay tuwang-tuwa at namumula.Mula noon ay hindi ko na siya kinukulit at nang tumungtong ako ng ikaapat na baytang ay hindi na kami nagkita.Hanggang nakatungtong ako ng ikaanim na baytang ay hindi pa rin kami nagkita,ngunit nagkaroon naman ako ng magagandang kaklase at marami rin ang nagkacrush sa akin,dahil cute daw ako.Pero ang mga kapatid ko ay lagi akong inaasar na masama daw ako at hindi tatangkad.Sabi nila ay lagi daw akong tumalon kapag bagong taon,para tumangkad.Pero hindi naman ito epektibo.Mayroon pa silang itinurong pampatangkad,maglagay daw ako ng takip ng bolpen sa ilalim ng hinlalaki ng aking paa bago magsapatos.Araw-araw ko daw itong gawin at tatangkad ako,ngunit hindi ko na ito ginawa,dahil sa isip ko ay niloloko lang nila ako. Nagkaroon din ako ng bulutong tubig,noong nakatabi ko ang kaklase kong may bulutong.hindi ako nakapasok ng isang linggo.Buti na lang at may alam ang aking nanay kung paano ito gagamutin.

ako noong 11 taon
Nagkaroon ako ng kaibigang gustong-gusto ang mga laro sa kompyuter.Lagi niya akong isinasama sa kompyuter shop para panoorin siyang maglaro.hindi nagtagal ay anililibre na niya ako para siya ay may kalaban sa larong counter strike.Noong una ay lagi niya akong talo,pero nang ako ay araw-araw ng naglalaro ay hindi na niya ako matalo.Naadik ako sa lahat ng larong barilan sa kompyuter at minsan ay gabi na ako umuuwi.Isang gabi nang umuwi ako sa amin ay napagalitan ako ng aking tatay,sabi niya "bakit gabi ka nang umuwi?,isa pang gawin mo iyan ay sa labas kita patutulugin!".
Mula noon ayhindi na ako nagkompyuter,dahil nasasayang lang naman daw ang aking pera doon at wala naman daw akong mapapala sa paglalaro.Sabi nang magulang ko ay pag-aaral na lang daw ang atupagin ko at may matututunan pa ako doon.Salamat sa kanila at nakalimutan ko na ang paglala ng kompyuter.Hanggang sa nakatapos ako ay hindi ko na naalala ang maglaro pa ng kompyuter.Nagustuhan ko pa ang pag-aaral sa asignaturang matematika, dahil mahilig ako sa mga numero.Nahiligan ko din ang mag-ayos ng mga laruang sinira na ng kapatid ko.


Ngayon ako ay fourth year high school na at nag-aaral sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School.Marami akong naging kaibigan sa paaralang ito.Mababait sila at masayahin.Kapag may problema ang isa sa aming kaibigan ay nagbibigay kami ng  kanya-kanyang payo kung paano niya lulutasin iyon.
ako ngayong 15 taon
Napakasaya pala ng buhay high school,dahil dito mo makikilili ang iba't-ibang klase ng tao at aba't-ibang ugali nila.May tahimik pero nakakatakot magalit.May taong tamad at isip bata.Mayroon namang maganda pero walang ibubuga sa pag-aaral.May tahimik pero matilno.May taong masama ang ugali at lahat ng tao ay ayaw sa kanya.
Ngayon ay naadik na naman ako sa paglalaro ng kompyuter,dahil sa isa na namang kaibigan.Hindi na ako sa barilan naadik ngayon.Sa larong dota naman ako naaadik.Pero naglalaro lamang kami kapag bakante ang aming oras.Dahil sa larong dota,lagi akong nauubusan ng pera.Hindi ako makaipon ng pambili ng regalo para sa aking mahal.
Kaya hindi na ako maglalaro para makaipon at makabili ng regalong pambigay sa aking minamahal.